Sa aspetong iyon, double-entendre (kung hindi triple) ang pagkasa-entablado ng Tanghalang Pilipino sa dula ni Savyon Liebrecht, ang Apples from the Desert.
Ang Apples from the Desert ay, para sa akin, isang dula na tungkol sa banggaan. Clash. Crash. Banggaan ng bago at luma, kung saan ang ama ay isang Orthodox Jew na di makayanang ang anak niya ay isang liberal na babae. Kung kaya ang anak ay lumayas at naghanap ng bagong buhay na nakapaligid sa bagong ideyolohiya. Ang napupunit sa gitna ng banggaang ito ay ang nanay ng babae, na nais ding yakapin ang bago, ngunit napipigilan dahil sa paghawak sa kanya ng asawa.
Ang masayang matutunan sa buong sitwasyong ito ay hindi lamang sa entablado nangyayari ang istorya. Lingid sa kaalaman ng dula, may sariling istorya ang mga manonood. Noong araw na pinanood ko ang dula, kasabay ko ang mga dignitaryo na galing Israel, ang bansang pinagmulan ng dula. Kasama rin namin sa gabing iyon ay ang manunulat mismo, si Savyon Liebrecht. Nakakalat sa peanutgallery ang mga Israeli at Pilipino, at habang nanonood, sabay tumatawa ang dalawang lahi, na tila parehas lang ang pinanggagalingan. Sa simula ay tahimik pa muna, pero nuong lumalabas na ang satire ni Liebrecht sa patriarchal society, napapangisi na ang lahat na tila hindi tayo hati ng ilang liga. Na tila walang bansa na nakapag gitna sa amin. Parehas nga namang galing sa mahigpit na kultura ng pamilya ang dalawang bansa. At parehas din tayong naninibago sa bilis ng globalisasyon ngayon.
May isa pang bersyon ang dulang ito, ang Tagalog na bersyon ni Liza Magtoto. Isang hudyat na talagang paralel ang mga kultura natin.
Sa bawat banggaan, ang tanging matiwasay na resolusyon ay ang pag bukas ng isip. Iyon maaari ang thesis ni Liebrecht. Isang mainam na katangiang kelangan natin sa panahon ngayon. Sinubukan din ni Liebrecht na ipakita na posible ang digmaan o resistance bilang isang resolusyon sa banggaan ng dalawang panahon, ngunit ito ay maaaring magdala ng kasiraan ng lahat.
Isa sa mga hinahangaan ko sa dula ay ang kanyang pagiging multi-dimensional, mula sa aking sinabi, ang dula ay hindi lang nanyayare sa entablado, kundi pati na rin sa mga manonood. Pero isa pang parte ng cast ay ang set mismo. Ang set ay buhay kumbaga. Makikita mo ang transpormasyong baha-bahagya sa pagdaloy ng dula. Sa simula ay isang saradong bahay na puro dingding, wala kang makikitang bintana, o ano man. Tapos sa pagdaloy ng dula, unti unting bubukas ang gitna, at sa hulihan ay wala nang dingding o ano man. Isang bukas na entablado. Nararamdaman ko ang pagka-constricted o pagka-free ng lahat, salamat sa set.
At bilang tuldok, ginawa nilang telon ang isang contemporaryong cyclorama, isang napaka-sarap na cherry-on-top.
Ang direksyon ni Tess Jamias ay masasabi kong mainam para sa material. Salamat na rin sa mga aktor, ang light at kontemporaryo ng atake ng direktor sa pag-habi ng mga eksena. Mabigat ang istorya, at maaaring mahulog sa slippery slope ng melodrama ang kahit sinong direktor, pero nagawang gawing light-hearted, heart-warming, at memorable ang buong experience. Salamat na rin sa matalinong pag-cast sa Auntie. Dalang dala niya ang mga eksena at napapaibig kaagat sa kanya ang audience. At lalo na sa Nanay, sobrang heartwarming niya na nanaisin mong yakapin ng mahigpit ang iyong ina.
Dalawa lang ang masasabi kong kritisismo: una, ay para sa Tatay at sa iba pang cast, may isyu ako sa build-up. Partikular sa tatay, tila lagi na lamang siyang galit to-the-nth level. Naiintindihan kong galit siya, at kelangan ng energy, pero kung mahihimay ang lebel ng pagka galit para sa pag build-up ng conflict, why not? Para sa akin, nag-plateau kasi yung energy level niya na nung nasa rurok na siya ng pagka galit niya di ko na ramdam.
Ikalawa ay sa movements. Sa tingin ko, mainam na ang dula na mismo, ang ibig kong sabihin ay makakatayo na yung buong dula ng wala yung movement-dance.
-----
Minsan minsan lang tayo makakakita ng dula na hindi lang sinasalamin ang buhay natin, kundi pati na rin ang buhay ng lahat ng tao sa mundo. Ang Apples from the Desert ay nagparamdam na bukas ang mundo, isa tayong malaking organismo na may iba ibang itsura ngunit sa totoo lang ay pareparehas, at para maging matiwasay ang lahat, kailangan lang nating huminga, at magkaintindihan.
----
Huling lingo na po ito ng Apples from the Desert sa CCP, para sa karagdagang impormasyon, click lang po dito:
gud ;))
ReplyDeletenice story
salamat sa panonood! :)
ReplyDeletesana may kasunod pang blog.
ReplyDelete