Friday, August 14, 2009

Sasadyain: The Threepenny Opera



The Threepenny Opera
ni Bertolt Brecht at Kurt Weill
sa direksyon ni Anton Juan
isang produksyon ng World Theater Project

Ngayon, sa Sabado at sa Lingo, ipapalabas ang isa sa mga pinaka-maganda at nakaka-insultong musical sa balat ng lipunan. Ang The Threepenny Opera. Nakabili na kami ng ticket para sa Gala show sa Linggo, at kung papalarin ka nga naman, ang mga early bird tickets ay 50% off. 500PHP yung Presyo para sa gala, nakuha ko ng 250PHP isa. Opo, sooobrang excited ako para panuorin ito sa dalawang rason:

1. Si Brecht ang nagsulat, parang minumura mo ang Society sa matalinhagang paraan.

2. Isa itong musical. Ni Brecht (at Weill). Para mong minumura ang Society sa matalinhagang paraan gamit ang mga nota. (nota as in note, you silly)

Ang tawag sa The Threepenny Opera ay ang "opera of beggars," at ito mismo ay isang satire sa tradisyonal na opera at operetta at para na rin gumawa ng bagong musical theater (noong panahong yun) gamit ang mga teorya ng dalawang Alemang artista na sina Kurt Weill at Bert Brecht. Isang marxistang critisismo patungo sa kapitalismo ang dula. Kaya naman, nuod tayo! :)

Para sa mga impormasyon, dalaw lang po sa


Ang ibang content ng post na ito ay galing sa:

No comments:

Post a Comment