ni V
Alam kong medyo huli na ngunit pinili ko pa ring kauna-unahan kong entry ang The Threepenny Opera na dinerehe ni Dr. Anton Juan dahil sa isang kadahilanan... so far, ito ang pinakamagandang produksyon na napanood ko ngayong taon.
Upang maging malinaw ang aking review, mamarapatin kong ipresent via bullets ang aking mga saloobin.
1. Pinahanga ako ni Dr. Anton Juan sa paraan ng pagdidirehe nya ng nasabing dula. Di tulad ng iba, hindi nasira ang gawa ni Brecht. Hindi nalunod ang mga manonood sa semiotics na karaniwang kasalanan ng mga nangangahas na imaniobra ang teksto ni Brecht. Simple ngunit epektibo ang naging interpretasyon ng dula. Para sa akin, di magiging kasing ganda ang kinalabasan ng dula kung iba ang nagmaniobra nito. Isang matinding papuri sa iyo Dr. Anton Juan.
2. Tunay na tumatak sa aking alaala ang performance ni Bituin Escalante bilang Pirate Jenny. Sa bawat paglabas nya sa entablado ay dumediretso ang aking mata sa kanya dahil sa kanyang matinding stage presence. Ngunit bagamat matindi ang kanyang stage presence ay di naman sya nang-uupstage. Ang katangiang ito ang tunay na naging dahilan nang paghanga ko sa kanya. Di ko na pupurihin pa ang galing nya sa pag-awit dahil sa tingin ko ay given na yun.
3. Nakakatuwa si Ricci Chan kung sa nakakatuwa, maganda rin at powerful ang boses nya, ngunit kung may isang bagay man ang dapat punahin sa kanyang performance yun na siguro ang hilig nya sa pang-uupstage ng kapwa artista. Nagmistulang isang naglalakad na salitang UPSTAGE si Ricci Chan sa The Threepenny Opera. Alam kong magaling sya at punong-puno ng talento ngunit mas naging maganda sana kung di nya nilalamon ang mga karakter na syang dapat ay bida sa isang specific na scene. Maliban sa kanyang hilig sa paglamon ng kapwa sa entablado ay wala na akong masasabi pa sa kanya. Isa syang tunay na talentadong artista, sana nga lamang alamin nya kung kelan dapat umariba at kung kelan dapat magpaubaya.
4. Hindi ko alam kung bakit pero tuwing nawawala si Mr. Peachum ay inaabangan ko ang kanyang muling pagbalik sa entablado. Siguro ito ay epekto ng napakaganda nyang pagpasok sa simula o di kaya'y sa nakakatuwa lang talaga ang kanyang pagkatao, kung ano man, nais kong papurihan si Onyl Torres para sa isang napakaepektibong pagbibigay buhay sa kanyang karakter.
5. Hindi ko rin pedeng isang tabi si Cholo Gino na gumanap bilang Mrs. Peachum. Oo, lalaki sya at babae ang kanyang ginanapan at maliban pa doon ay nabigyan nya ng hustisya ang kanyang karakter. Habang nanonood ako ay nafeel ko nang lalaki sya ngunit patuloy akong nagdududa dahil sa flawless nya performance. Ang mannerisms nya ay dead on at ang singing voice nya at wagi kung wagi. Isang pagpuna lamang ang nais kong banggitin, kung minsan lang ay nilalamon sya ng kanyang co-actors pero nababawi nya naman agad ang atensyon ng mga manonood.
6. Kung meron akong isang aspeto ng play na nais kwestyonin, yun na siguro yung paglabas ni Lexie Schulze na gumanap na Sukey Tawdry sa entablado. Alam kong bahagi ng dula si Sukey Tawdry ngunit sa tingin ko ay hindi na necessary ang pagsulpot nya sa entablado. Siguro ninais ng direkto na ipakita ang contrast or pagpapasa ng korona ni Pirate Jenny or whatever ngunit sa tingin ko ay di na kailangan pang kumuha ng artistang magbibigay mukha sa isang taong nag-exist lang naman sa dula dahil sa ito ay pinag-uusapan ito ng mga pangunahing bida.
7. Si Frances Makil-Ignacio na bumuhay kay Lucy Brown ay nagmistulang isang naglalakad na CONSISTENCY. Di ko naramdaman ni minsan na dinrop nya ang kanyang karakter o di kaya'y nabawasan ang kanyang stage presence. Bagamat di kasing powerful ng boses ni Bituin or kasing smooth ng boses ni Kalila ay umarangkada pa rin sya sa kanyang musical number. Nadala ng galing nya sa pag-arte ang mga notang kailangang patamaan at ito ay isang malaking achievement dahil ibig sabihin ganun sya kagaling.
8. Naging magaling din sina Jerald Napoles at Kalila Aguilos. May kulang lang si Teroy Guzman na di ko matukoy dahil may mga pagkakataong nabobore ako kapag nasa entablado sya. Sa pangkabuuan, panalo ang ensemble ng Threepenny.
9. Di ko maikakailang nakiliti ang aking pagkamakabayan sa mga pasimple at kung minsan at harapang pagtuligsa ng dula kay Gloria. Sa pagsisingit ng mga iskandalong kinabilangan ni GMA ay nabigyan ng isang malinaw na koneksyon ang ating kasalukuyang kalagayan sa kapanahunang nabuo ang nasabing dula. Ang mga paningit na banat ay nagsilbi ring isang hudyat sa akin na nasa Pilipinas pa nga pala ako dahil may mga bahagi ng dula na pakiramdam ko ay nasa Broadway ako dahil sa galing ng mga scenes at transitions.
Napakarami pang dapat banggitin sa The Threepenny Opera ngunit sa mamarapatin ko nang di ulitin pa ang nasabi ng aking co-authors sa blog na ito.
Sa kabuuan ay bibigyan ko ang The Threepenny Opera ng rating na
V / V
sa tagal ko na hindi pagatre sa entablado, i must say that "3PO" was such a refreshing sight. gusto kita pasalamatan sa review mo, V. most of the actors are my friends as well as dr. juan, who did a marvelous job with his direction. frances was one i'm so proud of (sa dahilan na binanggit mo na) bravo for her! of course, bituin escalante was a no surprise, she really gives her all everytime she goes onstage. but i must say, you were kind of mislead when you said na nanga-upstage si ricci chan. i think, as an actor myself, he did a fantastic job with his portrayal (FYI: he took over an actor's multiple roles in just 2 days before opening). i respect your opinion, but please don't mistake his brilliance to upstaging. onstage, if you cannot command the show, it is no one's fault but yours. and the chorus were just as brilliant. dr. juan reaslly brings out the best in everyone. at least "almost" everyone. BRAVO to "3PO"!
ReplyDelete-peter serrano
Sa tingin ko nga, it may seem that Ricci Chan was upstaging, but I think that it just shows that the ensemble's energy was fluctuating. Pero at some points, like sa mga ensemble performances, you can really hear his voice standing out, in contrast to Bituin Escalante, who meld well with the cast.
ReplyDeleteHowever, it doesn't mean that Ricci Chan gave a performance that is anywhere short of brilliance. It was a joy witnessing him, the whole cast for that matter. I can rave about the whole experience but, all I can say is Bravo.
- Loki Eusebio
Nais ko lang rin idagdag, may napansin lang ako, at naramdaman ko na kung ano yung kulang or na-puna ko sa dula:
ReplyDeleteParang nahuli ng bahagya yung build-up ng climax, noh? Ang steep masyado nung build up, na tila naging cyclic yung dula sa middle part. Pero nung nag-climax na aguy were we in for a ride. Haha.
Di ko sure kung Brechtian yung ganong approach or discretion ng direktor, pero ang sa akin lang. Naging risky siya interms na mawawala mo yung audience mo at somepoint. Pero nabawi pa rin nung climax at denouement ang lahat. Haha
I saw Threepenny Opera twice and I must say that I really enjoyed this masterpiece from Anton Juan. Ang gagaling lahat nila.
ReplyDeleteAlthough there are times when the scenes kinda stretched, hindi naman masyado napansin, considering na the show was about 2 hours and 30 minutes long.
I have to agree with Peter on his comment about Ricci Chan. Ricci gave out a performance that none of his cast members can match. I call that "Talent" and definitely not "Upstaging". If his co-actors looked drowned out during their scenes with him, it is their fault as actors and not Ricci Chan's. For theater actors, you have to give your 110% when performing para kahit yung tao na nasa dulo ng mundo ay ramdam ang presence mo at dinig ang sinasabi or kinakanta mo. You can't ask an actor to only give 50% of his/her ability as a performer para lang mabigyan ng presence ang co-actors mo. Dapat sumabay sila. Even Ms. Lea Salonga, who was sitting beside me last Sunday, was smitten with Ricci Chan's performance and she was very vocal about it. I even heard Lea's mom ask her "Sino ba yung babaeng yun? Magaling sya." (Although we know that Ricci is a guy). Kudos to Ricci Chan for giving out an energetic performance. Hindi madali ang 6 roles sa isang show which he did with gusto, even until the end of the show.
Nakalimutan ko na nga yung ginawa nung ibang actors pero yung kay Ricci Chan, Bituin Escalante, Frances Makil Ignacio and Kalila Aguilos ang tumatak sa isip ko. Still, I want to congratulate the whole cast of Threepenny Opera for giving us a show we want to see more of.
Di natin madedeny na kahanga-hanga talaga ang ginawa ni Ricci Chan sa pagganap sa 3PO lalo na't napakaraming roles ang kanyang binigyang buhay. Alam kong nakakapagod at nakakadrain ang ganung set up kaya't kailangan ko syang papurihan na ni minsan ay di bumaba ang energy nya during the show. Ngayon ko lang din napag-alaman na he took over the multi roles 2 days prior the show, salamat kay Peter Serrano, kaya mas maraming papuri para sa kanya.
ReplyDeleteAng sa akin lang, ang tinutukoy kong pang-uupstage ay yung nabanggit ni Loki Eusebio na at some point, lutang kung lutang ang boses nya sa ensemble performance. Kung iisipin, tulad nya, wagi rin ang solo moments ni Bituin ngunit nakuha ni Butuin na di magstand out sa ensemble. Mas naging maganda sana kung naging isa silang lahat kung saan walang lumulutang na boses o kung ano man dahil kung iisipin, yun naman talaga ang point ng ensemble performance.
Kapansin pansin talaga ang ginawa ni Ricci Chan nguit masyado syang naging kapansin-pansin na kung minsan ay nalalampasan na nya ang linya sa pagitan ng wonderful stage presence at upstaging.