Wednesday, March 24, 2010

Sasadyain: Papet Pasyon


Watch AMELIA LAPEÑA-BONIFACIO' s
PAPET PASYON
(the Philippines' 1st and only children's senakulo in puppetry)
FOR FREE!!!
March 28, 2010/Palm Sunday
3:00 & 5:30 pm
Amelia Lapeña-Bonifacio Teatro Papet Museo
64 Mapagkawanggawa St., Teachers Village, Quezon City
for details call 921.9773, 929.0895, 0918.903.2040


Directions from Quezon Memorial Circle: Take Commonwealth Ave., RIGHT on Masaya St. (before Mercury Philcoa; corner w/ tricycles, Ministop and Bank of Commerce) LEFT on Maginhawa St. go straight until you see Holy Family School. Theater on the left side in front of Talleres de Nazaret.


From Katipunan: Take CP Garcia, go straight when you see National Stud Farm turn LEFT. RIGHT on Magiting St. when you see Ministop turn RIGHT (Maginhawa St.). Next street to your LEFT is Mapagkawanggawa. Theater on the left side in front of Talleres de Nazaret.

-- repost from quietbutnotstill

Monday, March 8, 2010

Rent by 9 Works Productions



Dear Imagined Readers,

We apologize for the long hiatus.

Here now, as a special treat, are some notes that me and a few friends put together on the recent 9 Works staging of RENT, the famed Broadway rock musical by the late Jonathan Larson. We saw it May 27 at the RCBC Plaza Theater in Makati.

Yours dearly,
mumblingmaya
  • Why did they allow 11-12 year old children to watch RENT? Do their guardians and do the production people know that this has blatantly sexual content?


  • Nicole Laurel Asensio is pretty and has a great voice, but it’s obvious that she’s not used to sexy roles and striptease and pole dancing. Also, they made her wear pants while pole dancing. Why did they decided to tone down Mimi the 19 year old druggie stripper?


  • Fred Lo plays filmmaker Mark effectively.


  • Gian Magdangal, who plays Roger, can sing well, but is really flat when delivering dialogue.


  • OJ Mariano as Tom Collins is a pleasant surprise.


  • Job Bautista as Angel is acrobatic and energetic.


  • Given that Maureen should be funny when she does her protest performance piece, does she have to be Ai-ai Delas Alas absurd? Like Maureen the character was really mocking her own protest? And she’s also supposed to show her butt in the frontal, not in profile.


  • Noel Rayos played Benny Coffin III. He was pitchy, among other things.


  • The blocking in every scene literally looked like a firing squad. They had one or two characters singing in the middle while everyone else in the cast stood in one line behind them, watching.


  • Someone from the cast screamed “Suck it bitch!” during Maureen’s performance poetry on housing and capitalism, which had obvious undertones on lesbian sex. Way to go, you musical that also deals with LGBT equality, you.


  • Why do they fade the lights when Collins and Angel kiss, and all you hear is a smack?


  • Blue light does not help a scene that shows a seedy city where people have dirty sex while someone is dying.


  • The direction lacked emphasis on surviving and living as a twenty-something in ruthless 1990's America. This production seems to rely solely on the AIDS aspect of the plot.

Sunday, September 6, 2009

Apples from the Desert at mga Pagtutugma ng Pilipinas sa Mundo




Ang nakakatuwa sa panahon ng globalisasyon ngayon ay hindi ang mabilisang pag-kalakal sa ibang bansa o kaya naman ang internet (pero maraming salamat at meron tayong internet at unibersal na kalakal), kundi ang ating pag-diskubre ng kultura ng ibang bansa, at kahit na magkakaiba ang ating itsura, lengwahe, at paniniwala, meron at meroong pagkakatulad, minsan maliit minsan nakakagulat, kung bubuksan lamang ang ating mga mata.

Sa aspetong iyon, double-entendre (kung hindi triple) ang pagkasa-entablado ng Tanghalang Pilipino sa dula ni Savyon Liebrecht, ang Apples from the Desert.

Ang Apples from the Desert ay, para sa akin, isang dula na tungkol sa banggaan. Clash. Crash. Banggaan ng bago at luma, kung saan ang ama ay isang Orthodox Jew na di makayanang ang anak niya ay isang liberal na babae. Kung kaya ang anak ay lumayas at naghanap ng bagong buhay na nakapaligid sa bagong ideyolohiya. Ang napupunit sa gitna ng banggaang ito ay ang nanay ng babae, na nais ding yakapin ang bago, ngunit napipigilan dahil sa paghawak sa kanya ng asawa.

Ang masayang matutunan sa buong sitwasyong ito ay hindi lamang sa entablado nangyayari ang istorya. Lingid sa kaalaman ng dula, may sariling istorya ang mga manonood. Noong araw na pinanood ko ang dula, kasabay ko ang mga dignitaryo na galing Israel, ang bansang pinagmulan ng dula. Kasama rin namin sa gabing iyon ay ang manunulat mismo, si Savyon Liebrecht. Nakakalat sa peanutgallery ang mga Israeli at Pilipino, at habang nanonood, sabay tumatawa ang dalawang lahi, na tila parehas lang ang pinanggagalingan. Sa simula ay tahimik pa muna, pero nuong lumalabas na ang satire ni Liebrecht sa patriarchal society, napapangisi na ang lahat na tila hindi tayo hati ng ilang liga. Na tila walang bansa na nakapag gitna sa amin. Parehas nga namang galing sa mahigpit na kultura ng pamilya ang dalawang bansa. At parehas din tayong naninibago sa bilis ng globalisasyon ngayon.

May isa pang bersyon ang dulang ito, ang Tagalog na bersyon ni Liza Magtoto. Isang hudyat na talagang paralel ang mga kultura natin.

Sa bawat banggaan, ang tanging matiwasay na resolusyon ay ang pag bukas ng isip. Iyon maaari ang thesis ni Liebrecht. Isang mainam na katangiang kelangan natin sa panahon ngayon. Sinubukan din ni Liebrecht na ipakita na posible ang digmaan o resistance bilang isang resolusyon sa banggaan ng dalawang panahon, ngunit ito ay maaaring magdala ng kasiraan ng lahat.
Isa sa mga hinahangaan ko sa dula ay ang kanyang pagiging multi-dimensional, mula sa aking sinabi, ang dula ay hindi lang nanyayare sa entablado, kundi pati na rin sa mga manonood. Pero isa pang parte ng cast ay ang set mismo. Ang set ay buhay kumbaga. Makikita mo ang transpormasyong baha-bahagya sa pagdaloy ng dula. Sa simula ay isang saradong bahay na puro dingding, wala kang makikitang bintana, o ano man. Tapos sa pagdaloy ng dula, unti unting bubukas ang gitna, at sa hulihan ay wala nang dingding o ano man. Isang bukas na entablado. Nararamdaman ko ang pagka-constricted o pagka-free ng lahat, salamat sa set.

At bilang tuldok, ginawa nilang telon ang isang contemporaryong cyclorama, isang napaka-sarap na cherry-on-top.

Ang direksyon ni Tess Jamias ay masasabi kong mainam para sa material. Salamat na rin sa mga aktor, ang light at kontemporaryo ng atake ng direktor sa pag-habi ng mga eksena. Mabigat ang istorya, at maaaring mahulog sa slippery slope ng melodrama ang kahit sinong direktor, pero nagawang gawing light-hearted, heart-warming, at memorable ang buong experience. Salamat na rin sa matalinong pag-cast sa Auntie. Dalang dala niya ang mga eksena at napapaibig kaagat sa kanya ang audience. At lalo na sa Nanay, sobrang heartwarming niya na nanaisin mong yakapin ng mahigpit ang iyong ina.

Dalawa lang ang masasabi kong kritisismo: una, ay para sa Tatay at sa iba pang cast, may isyu ako sa build-up. Partikular sa tatay, tila lagi na lamang siyang galit to-the-nth level. Naiintindihan kong galit siya, at kelangan ng energy, pero kung mahihimay ang lebel ng pagka galit para sa pag build-up ng conflict, why not? Para sa akin, nag-plateau kasi yung energy level niya na nung nasa rurok na siya ng pagka galit niya di ko na ramdam.

Ikalawa ay sa movements. Sa tingin ko, mainam na ang dula na mismo, ang ibig kong sabihin ay makakatayo na yung buong dula ng wala yung movement-dance.




-----




Minsan minsan lang tayo makakakita ng dula na hindi lang sinasalamin ang buhay natin, kundi pati na rin ang buhay ng lahat ng tao sa mundo. Ang Apples from the Desert ay nagparamdam na bukas ang mundo, isa tayong malaking organismo na may iba ibang itsura ngunit sa totoo lang ay pareparehas, at para maging matiwasay ang lahat, kailangan lang nating huminga, at magkaintindihan.




----



Huling lingo na po ito ng Apples from the Desert sa CCP, para sa karagdagang impormasyon, click lang po dito:




Sunday, August 23, 2009

Lulu

ni V

Nais kong bigyan ng eksplanasyon kung bakit tila namatay ang salamangkang dapat sana'y lalamon sa akin noong ako ay nasa loob ng tanghalan upang manood ng Lulu. Minabuti kong panoorin ang Filipinong bersyon ng dula upang masaksihan ko kung paano imamaniobra ng direktor ang dulang kung saa'y ginawa nyang lalaki ang pangunahing karakter. Umaasa rin akong mas matino ang kalalabasan nito kaysa Ingles na bersyon nito... ngunit ako'y nagkamali.

Muli, ipepresent ko via bullets ang aking mga saloobin.

1. Masyadong malaki ang entablado. Kitang-kitang may pera ang DUP upang makagawa ng ganung uri ng set ngunit lubhang naging malaki ito para sa dula. Binigyang kahulugan ng dulang Lulu ang terminong underutilized. Bagamat maraming passages sa entablado kung saan sumusulpot na lamang bigla ang iba't ibang props, maging mga artista, nais kong ipoint out na hindi ito naging consistent. Sa unang Act ng dula ay nagmistulang blanko ang entablado. May paminsan-minsang gimik ngunit masyadong bitin. May mga bahaging sumusulpot ang Ring Master sa ilang bahagi ng stage ngunit di ito naging consistent. Kulang kung baga.

2. Wala silang konsepto ng maayos na ilaw. Nagmukhang kinailangan lang na ilawan para lang masabing nailawan. Nagmistulang "indie film" sya o naghari ang kadiliman sa palabas. May mga pagkakataong nais ko nang tumayo sa aking upuan at maglagay ng emergency light sa gitna ng entablado upang makita ko lamang ang mga artista. Na isang dahilan para isulat ko ang no. 3

3. Sabog kung sabog ang blocking. Dahil nga sa di matinong ilaw, umasa akong maisasalba ito ng blocking. Naniniwala akong kayang iligtas ng matinding blocking ang isang dula kahit pa 4 na par 64 lang ang gamit nila. Ngunit ang kakulangan sa technical ay lalong pinalubha ng blockings. Kitang-kita na malaki ang entablado at di nakasipat ang ilaw. Masyadong naging magalaw ang mga artista upang ma-utilize lang ang space. May mga scene na masyadong off tulad nung bahaging may inilabas na dresser. Masyado syang downstage at nakakasilaw ang ilaw. Mukhang lahat ng ilaw na dapat sana ay inilaan sa palabas ay napunta lang doon sa dresser. Di rin naman nagamit ang dresser ng mabuti. 90% of the time ay nandun lang iyon upang magset ng mood na nasa dressing room. Nagamit lang ito ni Tuxqs noong nananalamin sya at napatoon sya kung saan naging epektibo naman ang paggamit ng reflection. Naging masyadong nakakasakit sa mata ang ilaw ng dresser na di na naappreciate ng manonood ang layunin ng direktor.

4. Maraming Unnecessary gimmicks. Nandyan na yung net, mga lobo, paglabas ng Ring Master sa kung saan-saang lugar, mga tali, at ang mga entry points sa entablado. Dahil nga sa hindi namaintain na ganun kaquirky ang dula, naging off ang mga gimmicks na ito. Yung lobo ay nahulog lang sa isang specific na bahagi ng audience, di pa sa gitna at kitang-kita pa yung mga black bags na pinaglagyan ng mga lobo. Nagdulot din ito ng maraming pagputok bago pa man ito ihulog o kailanganin ng dula na naging isang giveaway na hindi naging careful ang mga staff nito. Ang masasabi ko lang na gimmick na nagustuhan ko ay yung swing. Napagkagiven man ng purpose nito ay naging epektibo naman ito kumpara sa iba pang mga gimmick na naging kalunoslunos ang kinalabasan.

5. Flat ang dula. Naging flat line ang dula mula sa umpisa dahil sinimulan na kaagad nila ito ng mataas. Nagsimula sila kaagad sa galit at pagtataray. Dahil dito, di na nabigyan ng pagkakataon ang dula na maggraph or mag-elevate. Naging isang malaking plateau ang kwento. Di na tuloy nabigyan rin nagpagkakataon na bumaba pa ang mga moments ni Lulu. Lahat ay flat. Lahat galit. Lahat tarayan. Walang downtime. Lahat bara-bara.

6. Walang lalim ang mga karakter. Hindi sila mga tao. Lahat sila ay alam mong karakter ng isang mundong hindi totoo. Tulad ng nabanggit ko, lahat sila ay flat kaya naman hindi na nagdevelop ang mga karakter. Mukhang kulang sa understanding ng characters ang mga artista, mukhang walang guidance na dapat magsilbing pising mabigyan ang koneksyon sa bawat karakter ng dula. Bawat aktor ay may sariling mundo at maaaring bumuo ng kanyang sariling kwento. Walang sense of unity ika nga.

7. Tila hubaran ang naging crucial point ng dula bagamat ito'y di naman kailangan. Nagmukhang selling point ng dula ay ang unnecessary nudity at homosexuality. Mukhang freshmen lang ang naging target market nila. Naniniwala ako na ang ang paghuhubad sa entablado ay dapat lamang gawin kung ito ay kinakailangan. Sa kaso ng Lulu, hindi ko naramdaman na dapat may maghubad dahil hindi naman ako kinundisyon ng dula sa ganitong kaganapan. Hindi ko naramdamang sinasabi sa dula na ito ay necessary. Kung iisipin, maaari itong ipresent ng walang nagpapakita ng laman. Hindi ko mahanapan ng justice kung bakit kailangang maghubad si Andoy at Tuxqs. Maaari nating gawan ng dahilan ngunit ang hinahanap ko ay isang malalim at malinaw na dahilan. Yung tipong dahilan kung bakit naghubad si Kate Winslet sa The Reader o di kaya'y paghuhubad ni James Cameron Mitchell sa huling bahagi ng Hedwig and the Angry Inch. Masyadong hilaw ang karakter ni Andoy upang umasta ng ganun at di ko rin maintindihan kung bakit kailangan maghubad si tuxqs sa kaduluduluhan.

8. Dahil hilaw ang mga karakter , nagmukhang hilaw rin ang pag-arte. Alam kong magagaling ang mga artista sa Lulu ngunit di nabigyan ng pagkakataon ng dula na ipamalas ang kanilang taglay na kagalingan. Si JC Santos na siguro ang isa sa mga may matinong pagganap sa kadahilanang may nakita naman akong development ng karakter nya, bitin man, kailangan pa rin itong pansinin dahil sa iilan na lang naman ang maaaring purihin sa dula. Si Jojit Lorenzo naman at Andoy Ranay naging consistent rin in terms of energy ang stage presence. Si Andoy Ranay na siguro ang pinakapaborito ko sa dulang ito. Naibalik nya ang ngiti sa aking labi sa kabila nang kaawaawang execution ng palabas at naantig nya rin ako kahit papaano sa bahaging nagmamakaawa na sya kay Lulu. Medyo sablay nga lang sya sa mga huling bahagi kung saan dapat sana'y sugatan sya ngunit nakatayo pa rin sya na tila walang gasgas na natamo. Si Michael Ian Lomongo naman ay nagfade na lang basta sa entablado. Si Acey Aguilar naman ay nagmistulang kaawa-awang pangitain sa entablado. Mukhang nacast sya dahil lamang sa tinatawag nating face value. Nahihirapan ako sa kanyang pagsasalita na tila naninikip ang dibdib ko at gusto ko na lamang basahin ang mga linya para sa kanya. Epektibo man sya sa bahaging may sayawan, kung sa pag-arte lamang ang pag-uusapan ay di lang sya basta tagilid, napataob na siguro nya ang bangka.

9. Ang tanging naenjoy ko sa dula ay yung dance sequence. Marahil epekto na rin ito nang pagiging isang choreographer ni Dexter Santos. Di ko maikakaila na humanga ako sa ginawa nyang choreography sa The Threepenny Opera at natuwa rin ako sa dance sequence sa Lulu. Ngunit bilang isang direktor? Sa ipinakita nya ay masasabi kong hindi pa talaga sya handa. Oo, may mga moments of beauty pero as a whole sabog kung sabog. Halatang maraming thoughts na gustong ipasok ngunit hindi naorganize ng mabuti. Ito ang karaniwang kasalanan ng mga baguhang direktor, naeexcite sa isang specific na scene kaya naiisang tabi ang kaubuuan ng dula.

10. At para naman kay Tuxqs Rutaquio na nagbigay buhay kay Lulu, nais kong ipahawatig na wala na akong maisip pang artista na bababagay sa role kundi sya. Alam kong magaling syang artista at alam kong kaya niyang bigyang hustisya ang karakter na Lulu ngunit sa aking napanood, mukhang nalunod na lang basta si Lulu sa kasungitan at init ng ulo. Pakiramdam ko'y di sya nagabayan ng maayos ng direktor na naging isang malaking kasayangan. Naniniwala akong kahit gaano pa galing ang artista basta kulang sa direksyon ay di pa rin ito sapat upang makabuo ng isang di malilimutang pagtatanghal. Di ko nakita kung bakit halinang-halina ang mga lalaki sa kanya, di ko naramdaman ang oozing sexuality na maaaring magpalibog sa mga kalalakihan sa isang sulyap lang sa kanya, hindi ko rin mahanap sa aking sarili na makisimpatya sa kanya noong panahon ng kanyang pagbagsak. Hindi nya ako naantig, hindi ako nahalina, hindi ako nagbigay ni isang patak ng pakialam. Ang alam ko lang ay nasa entablado sya, nagbayad ako ng Php200, di ko nga masikmura ang palabas ngunit di ako makaalis dahil sa may mga kasama ako at bilang respeto na rin sa mga kapwa ko alagad ng sining na naghirap upang mabuo ang produksyong ito. Di ko man nagustuhan ang palabas, may delicadeza pa rin naman ako.

Bilang kabuuan ng aking review, nais ko lang ulitin na maaari pa sanang pagandahin ang dulang Lulu kung hindi lang masyadong nagbank ang produksyon sa shock value na makukuha nito sa pagbibilad ng mga hubad na katawan sa publiko. Maaari ko ring ikumpara ito sa mga baguhang Indie films kung saan walang konsepto nang ilaw, tungkol sa kahirapan, homosekswalidad, prostitusyon ang mga karaniwang paksa, at may walang pakundangang hubaran.

Bagamat meron pa rin naman itong saving grace kahit na naging tunay na kalunoslunos ang nasabing presentasyon, bibigyan ko ang Lulu ng rating na

I / V

The Threepenny Opera

ni V

Alam kong medyo huli na ngunit pinili ko pa ring kauna-unahan kong entry ang The Threepenny Opera na dinerehe ni Dr. Anton Juan dahil sa isang kadahilanan... so far, ito ang pinakamagandang produksyon na napanood ko ngayong taon.

Upang maging malinaw ang aking review, mamarapatin kong ipresent via bullets ang aking mga saloobin.

1. Pinahanga ako ni Dr. Anton Juan sa paraan ng pagdidirehe nya ng nasabing dula. Di tulad ng iba, hindi nasira ang gawa ni Brecht. Hindi nalunod ang mga manonood sa semiotics na karaniwang kasalanan ng mga nangangahas na imaniobra ang teksto ni Brecht. Simple ngunit epektibo ang naging interpretasyon ng dula. Para sa akin, di magiging kasing ganda ang kinalabasan ng dula kung iba ang nagmaniobra nito. Isang matinding papuri sa iyo Dr. Anton Juan.

2. Tunay na tumatak sa aking alaala ang performance ni Bituin Escalante bilang Pirate Jenny. Sa bawat paglabas nya sa entablado ay dumediretso ang aking mata sa kanya dahil sa kanyang matinding stage presence. Ngunit bagamat matindi ang kanyang stage presence ay di naman sya nang-uupstage. Ang katangiang ito ang tunay na naging dahilan nang paghanga ko sa kanya. Di ko na pupurihin pa ang galing nya sa pag-awit dahil sa tingin ko ay given na yun.

3. Nakakatuwa si Ricci Chan kung sa nakakatuwa, maganda rin at powerful ang boses nya, ngunit kung may isang bagay man ang dapat punahin sa kanyang performance yun na siguro ang hilig nya sa pang-uupstage ng kapwa artista. Nagmistulang isang naglalakad na salitang UPSTAGE si Ricci Chan sa The Threepenny Opera. Alam kong magaling sya at punong-puno ng talento ngunit mas naging maganda sana kung di nya nilalamon ang mga karakter na syang dapat ay bida sa isang specific na scene. Maliban sa kanyang hilig sa paglamon ng kapwa sa entablado ay wala na akong masasabi pa sa kanya. Isa syang tunay na talentadong artista, sana nga lamang alamin nya kung kelan dapat umariba at kung kelan dapat magpaubaya.

4. Hindi ko alam kung bakit pero tuwing nawawala si Mr. Peachum ay inaabangan ko ang kanyang muling pagbalik sa entablado. Siguro ito ay epekto ng napakaganda nyang pagpasok sa simula o di kaya'y sa nakakatuwa lang talaga ang kanyang pagkatao, kung ano man, nais kong papurihan si Onyl Torres para sa isang napakaepektibong pagbibigay buhay sa kanyang karakter.

5. Hindi ko rin pedeng isang tabi si Cholo Gino na gumanap bilang Mrs. Peachum. Oo, lalaki sya at babae ang kanyang ginanapan at maliban pa doon ay nabigyan nya ng hustisya ang kanyang karakter. Habang nanonood ako ay nafeel ko nang lalaki sya ngunit patuloy akong nagdududa dahil sa flawless nya performance. Ang mannerisms nya ay dead on at ang singing voice nya at wagi kung wagi. Isang pagpuna lamang ang nais kong banggitin, kung minsan lang ay nilalamon sya ng kanyang co-actors pero nababawi nya naman agad ang atensyon ng mga manonood.

6. Kung meron akong isang aspeto ng play na nais kwestyonin, yun na siguro yung paglabas ni Lexie Schulze na gumanap na Sukey Tawdry sa entablado. Alam kong bahagi ng dula si Sukey Tawdry ngunit sa tingin ko ay hindi na necessary ang pagsulpot nya sa entablado. Siguro ninais ng direkto na ipakita ang contrast or pagpapasa ng korona ni Pirate Jenny or whatever ngunit sa tingin ko ay di na kailangan pang kumuha ng artistang magbibigay mukha sa isang taong nag-exist lang naman sa dula dahil sa ito ay pinag-uusapan ito ng mga pangunahing bida.

7. Si Frances Makil-Ignacio na bumuhay kay Lucy Brown ay nagmistulang isang naglalakad na CONSISTENCY. Di ko naramdaman ni minsan na dinrop nya ang kanyang karakter o di kaya'y nabawasan ang kanyang stage presence. Bagamat di kasing powerful ng boses ni Bituin or kasing smooth ng boses ni Kalila ay umarangkada pa rin sya sa kanyang musical number. Nadala ng galing nya sa pag-arte ang mga notang kailangang patamaan at ito ay isang malaking achievement dahil ibig sabihin ganun sya kagaling.

8. Naging magaling din sina Jerald Napoles at Kalila Aguilos. May kulang lang si Teroy Guzman na di ko matukoy dahil may mga pagkakataong nabobore ako kapag nasa entablado sya. Sa pangkabuuan, panalo ang ensemble ng Threepenny.

9. Di ko maikakailang nakiliti ang aking pagkamakabayan sa mga pasimple at kung minsan at harapang pagtuligsa ng dula kay Gloria. Sa pagsisingit ng mga iskandalong kinabilangan ni GMA ay nabigyan ng isang malinaw na koneksyon ang ating kasalukuyang kalagayan sa kapanahunang nabuo ang nasabing dula. Ang mga paningit na banat ay nagsilbi ring isang hudyat sa akin na nasa Pilipinas pa nga pala ako dahil may mga bahagi ng dula na pakiramdam ko ay nasa Broadway ako dahil sa galing ng mga scenes at transitions.

Napakarami pang dapat banggitin sa The Threepenny Opera ngunit sa mamarapatin ko nang di ulitin pa ang nasabi ng aking co-authors sa blog na ito.

Sa kabuuan ay bibigyan ko ang The Threepenny Opera ng rating na

V / V

Friday, August 21, 2009

Threepenny Opera o Nung Naranasan Namin Ang Jetlag sa PETA


Alam mo yung eksaktong oras na kakababa mo pa lamang ng rollercoaster, tapos tawa ka ng tawa, buhok mo kay gulo, nanlalambot pa ang hita, sinisigaw ang "isa pa! isa pa!" pero malalaman mo na lamang na ang haba pa ng pila kaya maghintay ka na muna?

Ganun na ganun yung naramdaman ko pagkatapos ng The Threepenny Opera.


The Threepenny Opera
by Bertolt Brecht and Kurt Weill
directed by Anton Juan

Ang The Threepenny Opera ay tungkol sa labanan ng bossing ng mga pulubi at ng bossing ng mga magnanakaw ng London, si Jonathan Peachum at Maceath, nung pinakasalan ni Maceath ang anak ni Peachum. Kinalaunan, nalaman ni Peachum na kaibigan ni Maceath ang komisyoner ng mga Pulis, pero ginamit niya ang kanyang kapangyarihan at koneksyon para mahuli si Maceath at mabitay ng tuluyan. Ngunit, sa hulihan, nagka-deus ex machina sa panig ni Maceath, at naligtas siya sa bitay.

Iniisip ko talaga kung paano magiging objective sa pag critique ng dulang ito. Pero kung hihintayin ko pa ang pag pawi ng tuwa sa pagkita nito, magiging untimely na ang post na ito. Kung papuri ang sasabihin, isa, dalawa o tatlo na lamang ang sasabihin ko:

Ang talento ni Dr. Anton Juan ay isang napakasarap na bagay na maipamahagi sa publiko. Ang husay ng kanyang pag habi ng mga eksena, na naramdaman talaga ng madla ang pagka-Brechtian ng buong show. Na-alienate kami ng lubusan. Sobrang na-alienate ako na paglabas ko ng teatro ay tila mixed-emotions ako: di ko alam kung matutuwa ba ako sa ganda o malulungkot sa mga katotohanang tinatanggap ng dula.

At ano ba itong mga katotohanang ito. Ginawa ang dulang ito nuong mid 20th century, pero ang nakakalungkot lang (pati na rin ang galing ng pag-execute) dahil nai-kabit pa rin nila ang 1950s sa atin ngayon, na tila wala nang pagbabago sa mundo, sa pulitikal at ekonomikal na arena. Ang dula nga naman ay isang Marxistang komentaryo sa kapitalismo, pero ang mga kabulukan nito ay nahalintulad pa rin nila sa kabulukan ng sistema natin ngayon.

Tulad na lamang ng pagka-salba kay Maceath, ang bidang kontrabida. Bibitayin na siya, gawa ng mga kasalanan niyang pagnanakaw at pagiging babaero, at kinasuklam siya ng mga tao gawa nun. Ngunit nung nawala ang pagpataw ng bitay sa kanya, nag 360-degrees ang mga tao at biglang nawala na rin ang kanilang galit. At ito ang karumaldumal na sinabi ni Maceath (isa na lamang itong paraphrase, patawad):

"If you are going to kill a thief, you have to kill all thieves. And what does it matter if the government saved me? The people will forget, the people will forgive. Just give time."
Na tila sinasabi na kung papatayin mo ako, patayin mo na rin ang bangko, na magnanakaw din naman. At sa atin, patayin din dapat ang mga pulitiko, e nagnanakaw din sila. Pero totoo nga ang sinasabi niya, na makakalimutan din naman ng mga tao.

Tingnan mo ang Garci.

Tingnan mo ang ZTE.

Ang nakakagulat doon ay nakalimutan ko nga talaga ang mga iyon. Kung hindi lang nila isinulat sa tatlong kilometrong rolyo ang lahat ng kasalanan ni Gloria, hindi ko maiisip na,

Ay oo nga ano nang nangyari sa kanila?!
Wala. Walang nangyari. Nabaon na lamang sa limot. Kasi dumating si Hayden, kasi dumating si Manny Pacquiao, kasi dadating si Diego Luna ngayong Oktubre. O kasi namatay si Michael Jackson, yung Farrah Fawcett, at Cory Aquino. Kasi namatay ang National Artist Award. Kasi National Artist na si Carlo J Caparas: To God be the glory.

Kita mo nakalimutan mo na na tungkol ito sa Threepenny.

Ginusto ni Brecht na maging isang satiric dramatisation ang dula sa tanong na kung sino ba talaga ang tunay na magnanakaw? Ang nagnanakaw ng bangko, o yung may ari ng bangko?

Pero sa tingin ko, isang satire ni Anton Juan ang buong dula sa kung gaano kaliit ang utak ng mga tao.

Kung gaano tayo kabilis makalimot. Kung gaano tayo kabilis mauto at maloko. At pagkatapos ng lahat, kahit na alam na nating na-uto tayo, nanakawan at naloko. Papatawarin natin at kakalimutan na lamang. Kasi nga maliit ang utak natin. Mabilis tayong mawalan ng interes. Mabilis tayong makalimut. Mabilis ang epekto ng dibersyon. Nakakalimutan nating isa lang itong palabas. Paulit ulit, paikot ikot. Di na nga natin natatandaan yung "Tama na, Sobra na, Palitan na!" eh. Yun nga ba ulit yun?





Pinapaalala lang sa atin ni Dr. Anton Juan ang lahat ng iyon. At, dahil dito, maraming maraming salamat sa kanya.

Ensemble yung cast, at ensemble din talaga ang buong pagtatanghal. Dama mo na walang nang-u-upstage. Kung meron man, tulad ni Ricci Chan, ito ay isang hudyat na kulang sa energy ang ibang tao. Kaya kung meron man akong kritisismo sa dula, ito ay ang pag-fluctuate ng lebel ng enerhiya ng ensemble.

Isang magarbong palakpakan para kay Ricci Chan na ang tindi ng gamay sa manonood. Ang kanyang patented comedic timing ay naandun pa rin. At isang standing ovation para kay Bituin Escalante, nakakayanig ang kanyang mga kanta, at, mas mabuti pang i-quote ko ang aking kaibigan nung sinabi niya si Bituin Escalante ay ang
Naglalakad na Presence
At si Ricci Chan daw ay ang
Naglalakad na Energy
At para na rin sa buong cast, kay Frances Makil-Ignacio, Teroy Guzman, Kalila Agilo, Onyl Torres, Cholo Gino, at sa iba pa, mahusay po.

Maraming salamat sa mahusay at matalinong pagtatanghal.

----

Minsan lamang sa buhay ng tao mararamdaman ang sabay na bagsik ng kasiyahan at kalungkutan. At kung minsan pa, saglit lamang ang mga ito. Pero palagi, sa lahat ng nakaranas, ito ay isang hudyat na nabuo na ang isang parte ng buhay nila.

Nalulungkot lang ako sa mga di nakapanood. Ang hiling ko na lamang talaga para sa inyo ay magkaroon ng re-run ang rollercoaster ng The Threepenny Opera, ang opera ng mga pulubi.

10 out of 10.

Tuesday, August 18, 2009

A Penny for My Thoughts on The Three Penny Opera


(Sorry sa pun :p )

Hindi na kailangan banggitin ang mga detalye at sirkumstansya nang kung bakit at paano
nag hinawa ni Dr. Anton Juan na iproduce ang Three Penny Opera.

Makikita na ito sa pag-galang ni Juan sa panunulat ni Bertlot Brecht at sa paglalapat ng mga maliit na detalyeng nagrereference sa kasalukuyang mga kakatawang bagay sa ating bansa sa usapin ng ekonomiya, pulitika at sining.

May mga verbal na hirit at mga maliit na props na tumukoy kay Gloria Arroyo at sa isyu ng National Artist award. Mahusay ang pagkakasingit ng mga ito sa dula.

Isang pagpupugay kay Teroy Guzman, Kalila Aguilos, Bituin Escalante at iba bang mga nagsipag-ganap. Consistent ang kanilang performance sa buong dula. Kapanipaniwala rin ang kanilang mga kilos at accent bilang mga karakter na taga-London.

Magaling ang comedic timing ni Ricci Chan bagamat may mga pang-ensemble na bahagi ang dula na na-uupstage nya maging ang mga bida.

Pumapalya rin ang mga accent nila Ryu at Katte Sabate na dapat ay Scottish at Liverpool (ata) ngunit naging mistulang Jive (na lumabas noong pa lamang 1960's). Bukod dito, natatangi ang pagbaba ng kanila enerhiya sa entablado kumpara sa kanilang mga kasama.