Nais ko lang maglabas ng sama ng loob sa mga nangyayari ngayon sa ating bansa. Matinding pambabastos na ang ginagawa ni Gloria Macapagal Arroyo sa sining, at sa buong mamamayang Pilipino.
Maari po ay mag browse through po kayo sa mga link sa baba po. At pagnilaynilayan kung hanggang kelan kaya tayo papayag dito. Hanggang saan po kaya abot ng ating pagkatao ang ganitong klaseng pambabalahura. Perang binabayad mo, sinasayang lang sa ibang bansa. Tax na binabayad mo, pinapanglasing lang ng presidente mo. Ang sining na pinangangalagaan at pinaghihirapan ng mga artistang pilipino, dinuduraan ng basta basta lamang.
Kelan kaya tayo titigil sa pagka walang bahala at sasabihin ang sinabi natin kasama si Tita Cory nuong panahon ng isa pang diktaturya?
Naaalala mo pa ba ang "Tama na, Sobra na, Palitan na" ?
Bisitahin po at magnilaynilay:
http://gibbscadiz.blogspot.com/2009/08/your-taxes-and-my-taxes-paid-for-her.html
http://gibbscadiz.blogspot.com/2009/08/surely-they-cant-all-be-wrong.html
Maraming salamat po kay Gibbs Cadiz para sa imaheng nasa itaas.
Saturday, August 8, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Salamat po sa inyong pag-lathala ng isyung ito dito sa inyong blog.
ReplyDeleteIsa ako sa mga nagkomento sa blog ni Gibbs at sang-ayon ako sa iyo na panahon na nga upang ating tandaan ang "Tama na, sobra na, palitan na!"
Mas lalong napapanahon ang sigaw na ito ngayong malinaw naman sa kahit sinong taong may tamang pag-iisip na ang kasalukuyang nakaluklok sa puwesto ay nagbabalak maglagi sa kanyang kinaluluklukan.
Maging ang yumaong si Presidente Cory ay di-nakayanan ang asal ng taong nasa larawan, na kanyang tinulungang maka-apak sa puwesto sa maling pag-aakalang siya'y makakabuti sa ating bansa. Isang tanda ng tibay ng paninindigan ni Cory sa demokrasya at delicadeza na hayagan niyang inamin ang kanyang pagkakamali - at ang pagkakamali nating lahat na dumalo sa EDSA DOS - at sa kanyang pagbatikos sa nakangising babae sa larawan.
Nawa'y maalala natin ang lahat ng bagay na ikinatao ni Cory: ang paghahangad sa tunay na demokrasya, ang paglaban sa anumang uri ng diktadura, at ang pagmamalasakit sa sambayanang Pilipino.
Ang ibig sabihin ng salitang "Corazon" sa wikang Kastila ay "puso." Para sa akin, sadyang ito ang naging kahulugan ng ating huling Pangulong babae. May puso. Isang pusong tumibok para sa kapakanan ng iba, para sa kalayaan ng bansa. Isang pusong hindi perpekto, subalit malinis ang hangarin.
Ano kaya ang hangarin ng kasalukuyang Pangulong babae, na habang nagluluksa ang sambayanan para sa isang taong tumulong ibalik ang demokrasya, ay tumumutungga ng mamahaling alak kasama ang kanyang mga alipores sa ibang bansa, gamit ang pera ng bayan?
Mangyaring alamin lamang ang ibig sabihin ng kanyang pangalan.