Sa isang critique ng kahit anong dula, iyon ang kadalasang kong tanong. "Saan ka nagkamali." Para ng sa gayon ay malaman natin kung ano ang parte na mabibigyan ng kaayusan, at kung anong parte ang maayos na para mas gumanda. Pero para sa Lulu, may mas angkop atang tanong:
Bakit panget ang dulang Lulu?
Sa tanong na iyon meron nang katotohanang tinanggap, na panget nga ang dulang Lulu. Pero kelangan pa rin itanong kung bakit para tuluyang magkaroon ng pagkakaintindihan sa mga bakit ng buhay. Kasi kung hindi natin ito lilinawin, aba'y ako'y isang gagong nanlalait na lamang ng basta basta. Pero bago ang lahat, simulan natin sa simula.
Ngayong Agosto 5, 2009, nagbukas ang pintuan ng Guererro Theater sa may AS, sa UP kong mahal, para sa pagtatanghal ng Lulu. Isang produksyong tinayo ng Dulaang UP (DUP) para sa madla. Sa aking pag sabi ng madla, ang ibig sabihin ko ay mangilan-ngilang alumni, kami yun, at isang tambak ng mga freshman na nais magitla sa dulang may mga nakatiwangwang na dede. Pero mamaya na iyang paguusap tungkol sa dede, o sa mas mainam na pangalan, Lulu. Lulu na ang tawag namin sa mga dede ngayon. Pero nag digress ako.
Lulu
Dulaang UP
Direction and Choreography: Dexter M. Santos
Filipino Translation: Joel Saracho
Filipino Translation: Joel Saracho
Ang titulong Lulu ay hindi dula ni Frank Wedekind, maaaring ginamit ng DUP ito bilang umbrella title para sa dula ni Wedekind. Si "Lulu" ang babaeng binibida ng German para sa dalawa niyang sikat na dula, ang Earth Spirit at Pandora's Box. Sa dalawang dulang ito, pinapakita ang istorya ng isang babae (hint: Lulu) sa kanyang pag-angat sa lipunan gamit ang kaniyang libog o sekswalidad. At kinilala si Wedekind sa ganitong klaseng mga dula, ang pagbuwag o pagkulitas ng mundo ng Lipunan o sa mga prinsipyo ng bourgeois (kadalasan ay patungo sa sex). Sa staging ng DUP, merong english show at tagalog show. Ang english show ang pinanood namin.
Kilala din si Wedekind bilang isa sa mga manunulat na nag bigay daan sa Expressionism sa teatro. Ang movement na ito ay , mula sa salitang 'expression,' nag paparamdam ng pagiging buhay o nagpapadama lang talaga ng kahit ano sa manonood, taliwas sa pagiging pisikal at realistiko. Kaya ko ito sinasaad ay para may punto tayo ng pagkukulatis ng nasabing dula. Para hindi ako isang poser na nagsasabing ay chaka yung play yuck.
Hindi ko masabi ng sigurado kung sino ba dapat sisihin at chaka-yung-play-yuck. Maaaring kasalanan iyon ng bida mismo, si Che Ramos bilang Lulu. Well, hindi niya kasalanan per se, kasalanan lang sa pag-cast sa kanya. Aasahan mong ang taong gaganap sa bida ni Wedekind ay punong puno ng Libog with a capital L, punong puno ng andak, ng swabe, ng alindog. Pero ni isang iota ng libog, wala akong naramdaman. Kung kaya't nung ikalawang acto na, pinalawit na nila ang kanyang utong. Para ata pisikal na ang pagpaparamdam na may libog siya. Ay naku andami nang spoiler. May tatlong babaeng maghuhubad ng buo. Bawal camera, patawad.
Tinanong ko sa sarili ko at sa aking mga kasama kung ano kaya ang kulang kay Lulu. Tapos napagtanto namin, kulang siya sa desire. Kulang siya sa objective kung bakit siya isang sexual na tao. Kulang ng dahilan kung bakit nag papakamatay ang mga lalakeng nabibighani niya. KULANG. Marahil ay sa boses niyang malalim na naka-modulate pero walang emosyon, isang trade-off sa ibang actor. Maaari ding sa pagka-clumsy ng kanyang mga galaw na tila walang gracefulness na lumapit sa kanya sa kanyang paglaki. Pero hindi ko lang talaga makita kung bakit magpapakamatay ang mga lalake para sa kanya, maliban na lamang sa katotohanang nakasulat iyon sa script. Marahil, ito na ang isang malaking ka-pilayan ng dula.
Para sa kin, di din niya nagamay ang pag deliver ng lines na maigi. mahahaba ang linya nila, ma ha ha ba. At aasahan mong kahit papaano ay magkakabuild up o di naman kaya mareretain ang interes namin. Hindi e. Ang bilis mawala ng energy ng kanyang mga dayalogo na nawawala na ang pansin ko sa kanya at nalilipat na sa nipples niya. At bading ako, ano ba! Mas mainam pa atang kay Angeli Bayani yung role. Mas alluring siya at sexually engaging.
Pero maliban kay Lulu, bakit kaya panget ang dulang ito? At natanto ko na ang root. Oo, pwede nating kulitasin pa ang tunog, actually mainam ang tunog nila may oomph at dama mo talagang expressionist. Mainam din naman yung ilaw na kahit paminsan minsan ay sablay. Mainam din ang ibang artista, tulad ni Angeli Bayani at nung gumanap na tatay tatayan ni Lulu (hindi ako bumili ng programme, patawad. Bumibili lang kasi ako pag nagandahan ako ng sobra). Huwag na nating pansinin ang katotohanang pagkatapos ng ilang sandali ay nawawala na ang novelty ng british accent ng ilan, at nagiging monotone na rin ang kanilang energy level. Huwag na rin nating pansinin ang katotohanang sloppy ang acting ni Alva. Pero saan ba talaga kaya nagkamali ang dula. Tama. Sa direksyon nga. Paano?
Una ay sa atake. Para sa akin, ang panget ng pag establish ng mga eksena. Ang panget ng pag establish ng mga eksena. Isa sa mga kahindik hindik at awkward na eksenang ginawa niya ay ang pag pasa pasa kay Lulu sa bar. Oo, alam naming isa itong device para ipakita ang metaphor na pinagpapasahan si Lulu. Pero ang panget niya aesthetically. Ang gulo kasi masyado, di lang sa eksena pati na rin sa dayalogo, nagiging muffled kasi yung boses, at pati na rin, gawa ng blocking, di na napapansin yung tao sa likod. Parang gusto lang talaga kasi maging spectacle. Ang panget ng mga paglalaro niya sa entablado na kung minsan ay nasusuya na lang kami. Ang pagsaksak pa ng mga spectacle, sumusobra na na di ko kinakaya. Nakakaumay.
Sige yung pinaka magandang eksena na lang ang sasabihin ko.
Ang panget din nung atake ng direktor sa mga eksenang may mga nagtatagong mga karakter sa paligid. Kasi, halatang halatang ginagawa lang talaga nila yung mga yun dahil nakasulat sa script. Kaya kinakagalit ko yun, bilang manonood. Kasi wala akong makitang objective sa mga karakter ng dula. Walang logic ang kanilang ginagawa. Nawawalan ng logic dahil sa kanilang pagkasloppy.
Ayaw ko pa yung pag aadapt ng dula. Sa pangalawang akto ba naman, naging interactive ang dula, e putang ina, di ko na nga masundan yung buong play dahil sa pagka gulo nito, pinapapili pa ako. E yung pagpipilian daw ay kung mamamatay o hindi si Lulu, at nung pinapatayo ang taong nais mamatay si Lulu. Aba tayo ako agad. Para lang matapos na ito. Tapos biglang curtain call pagkagawa ni Lulu nung gusto ng audience (na hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan kung ano), e anu ba yun wala man lang pasabi o kaya denoument man lang e tangina kaka-climax lang. Wala. Kung gagamitan natin ng metaporang angkop para sa Lulu, maaari nating sabihing ako ay nakipag-talik sa isang matandang lalake, pero kahit gano kalambot ang kaniya, nagawa pa rin niyang ipasok, pero kahit anong galaw o tulak ang gawin, walang maramdaman ang kahit sino sa amin.
Speaking of climax, yun pa. Umasa sila masyado sa tunog at ilaw para iparamdam ang climax. Napa ugh na lang ako.
Kahit na panget ang buong dula, may mga notable na pagtatanghal tulad ni Bb. Angeli Bayani. Mainam ang kanyang pagganap sa mapaglaro at curious na babae. At pati na rin kay Paolo O'Hara, kahit na masyado siyang pinoy para sa role, pero para sa kin lang naman yun.
----
Di ko sinasabing wag kayong manood, sinasabi ko lang ay bago ka manood, itanong mo muna sa sarili mo kung handa kang gumastos ng 250PHP para sa dulang:
A) Kahindikhindik sa pagkapanget; o
B) may hubad na katawan ng tatlong babae ang ipapakita.
Dipende lang naman talaga iyon sa kung paano mo titingnan e. Pero marahil titingin ka lang rin talaga sa exit at pagninilaynilayan kung kelan ang matamis na panahong makakalakad ka patungo dun.
Dulaang UP's Lulu: 3 out of 10
Excited na akong makitang si Tuxqs Rutaquio ang gaganap sa filipino version, isa siya sa mga paborito kong actor e. Sa August 12 yung opening nung Filipino version, tara nuod ta! May isa pang adaptasyon sa gawa ni Wedekind! Ang musical version ng Spring Awakening, gawa ng Atlantis Productions. Sa Setyembre. Tara nood tayo!
hmmm...brutal. pero naiintindihan ko...pero brutal.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteeto talaga, pinanood namin ng GF ko yung play last saturday afternoon, I was surprised that the play was a sham. siguro na dala kami ng marketing ng play... It was long and kinda hard to understand dahil ang hahaba ng linya.... Although I enjoyed and admire a few things sa play, I like the delivery of Missy Maramara's lines and her b**bs... sorry...
ReplyDeletei think it's not dennis, it's paolo o'harra. hehe. i was able to watch the filipino version last night, and i think mas naintindihan ko yung dula. pero nakakapagod ang blockings ni tuxqs. haha. :p
ReplyDeletesa Lulu ko lang naramdaman kung paano pumalakpak dahil gusto ko na siyang matapos at hindi dahil sa nasiyahan ako (lol) tinanong nga ako ng kaibigan ko kung anong parte ang pinakanagustuhan ko. ang tagal kong nag-isip, grabe. kaya ang sabi ko na lang, "kung saan nandoon si Alwa." sagot niya, "ung part na hawak niya ang boob ni Lulu?" hahaha. natawa na lang ako. para sa akin kasi, parang si Alwa na ang pinaka-misteryo doon e, lalo na't makata siya. :)
ReplyDelete@Albert: Salamat sa pagpuna sa pangalan, nalito ako sa Dennis o Paolo. Haha, tulad ng sinabi ko, di na ako bumili ng programme, bakit pa.
ReplyDelete@Ross: Parehas kayo ng kaibigan ko! Haha, kasabay ko siyang manuod. Tapos sinabi lang niya: "Kelangan ko manuod ng isa pang play, para mawala na ang pag-haunt sa akin ni Lulu... Erotic Haunting..."
@idadudes: Hahaha! Natuwa din ako nung natapos na ang play at pagkalabas ay nasabi ko na lamang, "Grabe ang panget nung play." Siya rin yung nagustuhan kong karakter sa lahat. Parang ang nangyari nga, istorya niya yung Lulu. :)
I wouldn't say that the play was that bad. But I don't think it's excellent either.
ReplyDeletehttp://erosjourneys.blogspot.com/2009/08/lulu-emotially-draining-play-theater.html
Nakakapagod siya panoorin.
ReplyDelete